r/Gulong • u/Some_Appeal • 14h ago
ON THE ROAD QUESTIONS Paano ba pakiusapan ang kapitbahay tungkol sa nakaharang na motor nang hindi nanggagaling sa away?
Hello po, gusto ko lang po sana makuha ang opinyon o payo ninyo rito.
Yung motor po ng kapitbahay ko ay yung kulay dilaw sa picture (In-edit ko lang po yung kulay ng motor at gate para sa privacy). Bahay po namin ung stainless na gate. Hindi naman po ako galit o gustong makipag-away, pero nakaharang po kasi yung motor kaya hindi ako nakalabas madaling-araw nung isang araw.
Kaso lang, ayoko ring mag-doorbell o kumatok nang ganoong oras kasi hindi naman ako confrontational na tao at ayokong makaabala ng tulog ng iba. Medyo masikip din kasi yung kalye namin at may nakaparadang sasakyan pa sa kabilang tapat, kaya mahirap talaga san lulugar na.
Ano po kaya ang magandang gawin o
pwedeng sabihin para maayos na mapag-usapan 'to nang hindi sila nagagalit o nagkakaroon ng samaan ng loob? Maraming salamat po sa mga payo!