r/NursingPH • u/Limp-Communication66 • 4h ago
All About JOBS Lesson learned mga kuNars? 😭 HAHAHA
Hi, guys! Share ko lang experience ko kasi until now napapaisip pa rin ako kung mali ba na naging honest ako during my interview. 😭
So nag-apply ako sa isang dialysis center dito sa amin noong September. During the interview, tinanong ako ng manager kung magte-take ba ako ng NCLEX, and being honest, sinabi ko naman na YES kasi may plans talaga ako magtake.
Sabi nila, tatawagan na lang daw nila ako ulit this October. So syempre, naghintay ako kasi akala ko may chance pa. Pero guys, patapos na October, wala pa rin akong natatanggap na tawag. HAHAHAHA 😭
Now, napapaisip ako kung may effect ba talaga na sinabi kong may plans ako mag-NCLEX. Baka kasi iniisip nila na hindi rin ako magtatagal sa kanila since eventually, baka mag-abroad din ako.
Kaya sa mga nurses diyan na nag-aapply din while planning to take the NCLEX, should we be honest ba talaga about our plans, or better na huwag na lang muna? 😭
Gets ko naman na baka ayaw nila mag-hire ng someone na aalis din eventually, pero as a newly licensed nurse, gusto ko rin naman magkaroon ng experience and opportunity to work.
Kayo ba? May naka-experience na rin ba ng ganito? Or baka naman ako lang talaga nag-ooverthink HAHAHAHAHA. 🥲