Kailangan na talaga namin ng sasakyan, hindi na pwede ang motor kasi may tatlo na kong anak. Sakto malapit na mag-December. Nababasa ko kasing maganda daw offers pag ganitong panahon kasi naghahabol ng sales (sana totoo). Thankfully nakaipon na kami ng pang down at hopefully mas madagdagan pa para kaunti na lang yung MA namin. Okay na din sa parking.
Ngayon, nagtitingin tingin na ako at feeling ko ang choices namin ay:
- BR-V S CVT
- Xpander GLS
- Avanza G
- XL7
Bakit ito sila? nagcheck ako halos 1m-1.1m lang sila with discount, the BRV-S can go as low as flat 1m. Hindi naman kailangan ng malakas na malakas ang makina kaya okay na to. Sakto lang din to sila sa parking namin. Ayoko din ng Innova (hindi gusto ni wife yung itsura)
- Mostly gagamitin lang dito sa province: pang work pag maulan, around 2 kms, pang hatid kay misis sa grad school (52kms) at pang gala minsan syempre.
- Downpayment: 50%, maybe 36-48 months ang duration ng loan.
- Vehicle load? Me and my wife, 3 kids, siguro madalas ko din isasama mom ko since never pa kami nakagala since ngayon palang lumuwag luwag sa buhay. So 3 adults and 3 kids
Ano po kaya ang pinakasulit?
1m-1.1m Budget
Brandnew kasi po hindi pa ko maalam sa kotse, yun din yung recommendation ng pinsan ko na nasa buy and sell ng mga sasakyan. Hindi ko daw malalaman agad kung may problema na ba pag daan ng humps, pag may problema na sa preno, kaya mag brandnew daw para 5 years wala akong masyadong isipin.
Maraming salamat!