r/phhorrorstories • u/RJeyioh21 • 9m ago
Repost Baguio Horror Story
Story Time...
This happened post pandemic na around 2022 and maluwag na ang Travel Advisory. So maaga kami na VTO (bpo term for early out) tapos siyempre hindi pa kami agad umuwi tamang kwentuhan lang muna sa smoking area na medyo dim light (garden kasi yung area na kalahati smoking pit) Napagkwentuhan namin yung balak ng mga kateam ko na magbaguio next next week since approved naman mga VL namin since avail at mababa ang queue. Etong dati kong TL na OM na ngayon may nishare siyang experience nila sa isang transient house 30 minutes from Loakan. Unang araw nila ang bigat na ng ambiance sa lumang bahay na ginawang transient house para sa mga bakasyonista na taga ibang lugar especially mga taga Manila. Bale sa isang room na nakatapat sa likuran na bahagi ng house dun nagstay ang mga boys. Ang mga girls naman sa kabilang side malapit sa terrace. Dahil pagod maaga sila nagpahinga (5PM na sila dumating at nagdinner na din dun mismo sa transient house) Yung isa nilang kateam naalimpungatan ng bandang past midnight at nakaramdam ng gutom kaya ang ginawa niya pumunta siya sa pantry para magluto ng pancit canton. Maya maya sumunod sa kanya yung dalawa niyang kateam na gusto rin mag midnight snack. Ayun habang nasa kalagitnaan sila ng kwentuhan habang kumakain, napako tingin nila sa west hallway na madilim at ang makikita lang ay yung pinakadulong part which is terrace nga. Halos manlaki ang ulo nila sa takot dahil may dumaan na di nila mawari if tao kasi sobrang bilis. Nicheck nila baka kasamahan nila pero imposible kasi bago makarating sa part na iyon ng transient house madadaanan muna sila sa sa pinaka receiving area. Kaya sa takot nila dun na sila sa kwarto nagsikain.
Kinabukasan naikwento nila sa mga kasamahan nila yung nangyari at isa sa mga kasamahan nila ang nagsabi na hindi rin talaga maganda feelings nila sa lugar na yun. Nalaman pa nila sa isang locals doon na ang tinutuluyan nila ay dating libingan ng mga tagaroon or mga nabibiktima ng krimen at doon na lang tinatapon. Hindi na sila nagpaabot ng gabi at nagpaalam na sila sa care taker na luluwas na sila pabalik ng manila kahit pa bayad na nila ang 3 days hindi na sila humingi ng refund.
So ayun habang pinagkukwentuhan namin yung tungkol sa experience nila. May isang agent na nakiusyoso nagtanong siya if yung transient house ba na yun ay malapit sa parang lumang radio tower? Sabi ng dati kong TL "oo" tapos may pinakita siya sa aming photos na galing din sa facebook (credits to the owner) same transient house pero ang nakakatakot sa group picture may sumamang entity sa photo. Wala siyang mukha blurred lang and base sa pagkakazoon at enhanced ng photo.
(Creepy)