Work ako from Antipolo to BGC everyday and wala naman ako problem since 1am uwi ko. Di na ganun ka-traffic. Always— defensive driving ang rule ko sa sarili ko kasi may uuwian pa akong family sa bahay.
Then kanina, sa may pa- C. Raymundo, naka-red na yung stoplight sa kabila, so time na para sa lane namin na mag-go, pagka-go namin may humarurot na Truck from the kabila, eh ako kasi pinakauna sa nag-go. Muntikan na nya ako nasagi, tas bigla nya akong pinagsisigawan at pinagmmura sa daan kahit siya naman na yung nag-go kahit stop na sila.
Any advice or tips po sa mga riders dyan? Lady rider po ako and alam ko stereotype na kapag babae, mababa tingin ng mga ibang drivers. Pero nagulat lang ako kasi ganito pala talaga sa Pilipinas?
Please respect.