r/AkoBaYungGago • • 20h ago

Family ABYG dahil umangkas ako sa bagong motor ng kuya ko bago yung asawa niya?

85 Upvotes

For context, my brother and I are half-siblings sa father’s side. We grew up together sa bahay ng dad namin, so kahit hindi kami full siblings, close talaga kami growing up. Ngayon, pareho na kaming may sariling pamilya, kaya hindi na kami madalas magkita. Maybe around five times a year, usually kapag may family occasion or kapag napapadaan ako sa bahay nila.

Now, here’s what happened.

My brother recently bought a big bike. Mga three days pa lang yata sa kanya yung motor when this happened.

The day before, nasa bahay nila ako, inaasar ko siya na babalik ako kinaumagahan para matry ko namang sumakay sa big bike. Hindi ko alam kung narinig ba ng asawa niya or kung aware ba siya sa usapan namin.

At kinaumagahan, bumalik nga ako ng may dalang helmet hahaha kako “tara na magkape!” Pumayag naman siya.

We rode for around 25 minutes to a nearby town. May dinaanan din kami na friend niya, then we had coffee for maybe 15–30 minutes. After that, dumaan kami sa puntod ng dad namin before going back to their house.

Less than two hours lahat.

I honestly just wanted to try riding with him since bago yung motor niya. And medyo ignorante ngani sa bigbike ang ferson na ito.

Apparently, his wife had been wanting to go on a long ride with him. Hindi ko alam na may ganung issue pala, and I didn’t think na magiging big deal yung simpleng pag-aya ko sa kuya ko.

Pagbalik namin sa bahay nila, his wife was visibly upset. Nagsisisigaw si ate gurl na ibenta nalang daw yung motor or blablabla. My brother seemed to be laughing it off, pero hindi ako comfortable sa sigawan blues, so umalis na lang ako.

Kinaumagahan, gulat ako may message siya.

Basically, she told me na huwag daw akong basta-basta pumunta sa bahay nila at mag-aya ng “rides” with her husband without informing her. Then she questioned my relationship with him and said something along the lines of:

“Ano ka, asawa niya?”

Honestly, ito talaga yung part na na-off ako.

Kuya ko siya. I have my own husband, and I never saw anything wrong with asking my brother for a short ride. So reading something that implied na parang inaangkin ko yung asawa niya just because I asked my own brother to ride with him felt insulting and, honestly, kadiri pakinggan.

She also mentioned that she had asked my brother if the ride was planned, and he told her it wasn’t.
Sabi pa niya “katibay mo naman, nauna ka pa sakin” insinuating na parang bat ako pa naunang umangkas kesa siya ganon.

Tawang tawa ako nung una because I couldn’t believe na umabot sa ganito yung simpleng pag-angkas ko sa kuya ko. But after reading everything, nairita na rin ako.

I replied that we only went somewhere nearby and that it was just a test ride. I told her na hindi ko naman inexpect na magiging ganito kalaki yung reaction niya, and I never intended to upset her.
I also told her that if the situation were reversed, I wouldn’t be jealous if my husband’s sibling rode with him. Maybe I’d feel a little disappointed if I had been planning to ride with him first, but I wouldn’t automatically see it as disrespectful.

She replied that I shouldn’t compare myself to her because we’re different people. She said I should have given her a heads-up instead of just showing up ready to ride, and that I was acting like I only cared about my own feelings. She also reminded me that we all have our own families now and can’t just do things the way we used to.

ABYG dahil hindi ako nagpaalam sa asawa ng kuya ko bago itesting yung motor niya?


r/AkoBaYungGago • • 11h ago

Work ABYG dahil mas pinili ko siyang iwasan?

21 Upvotes

8 months na ako sa company and naging somehow close kami nitong taong 'to siguro nung ika 3rd month na namin.

Babae sya, almost same kami ng age range and, maingay sya as a person, palabiro, palatawa at pag tiningnan mo, ang gaan ng awra.

Ang kaso habang tumatagal, bigla kong napapansin na palapintas sya ng mga tao yung tipong kahit dadaan lang may nasasabi na syang negative, mahilig rin syang magparinig sa mga kateam namin tapos kahit nasa malapit yung taong gusto nyang itopic, itatopic nya. So imagine, yung iba naming kateam na walang kamalay malay na nagwowork pinagt-tsimisan na pala.

Marami kaming free time sa work kaya mostly gusto nya magchika chika kami ng buhay ng ibang tao.

As someone na baguhan sa company, sinubukan kong makisama pero di ko talaga kaya yung ganong energy ba.

I also caught her na pinaguusapan nila ako ng isa kong kateam kasi narinig nya usapan namin ng close friend ko na ako ung nagmamanage ng income namin ng live in partner ko. Na kesho bat ako daw naghahawak ng pera and nagb-budget and all.

Then multiple times ko syang nahuhuli na chinichismis sa iba yung isa kong close friend na kaibigan nya rin, kya siguro un na yung final straw ko at nagdecide na unti unti nang lumayo sakanya.

Nagumpisa ako sa paglipat ng pwesto, pag nagkakasalubong kami sa office simpleng ngiti at tango nalang yung ginagawa ko, and sya nagtatry mag small talk then sumasagot naman ako ng maayos respectfully.

Ganon lang kami from the past few months pero recently, bigla nalang siyang nagpaparinig saken saying to other people na "EWAN KO BA DIYAN BAT MAY MGA TAONG GANON"/"MALAY KO DIYAN, BIGLANG DI NALANG NAMAMANSIN"🤣

ABYG dahil bigla ko nalang sya kinutoff?