r/PinoyProgrammer • u/Dependent_Nail9639 • 20h ago
advice Junior Developer Career advice
Hi guys, I'm a junior software dev for almost 1 year and 2 months. Is it normal po ba na ako yung junior sa team pero ako yung nagtuturo sa senior dev about sa ginagamit naming tech stack ngayon?
I have no problem teaching other people naman but minsan napapa-question ako if senior ba talaga siya or sinwerte lang sa position niya? From what I know, he's been around for almost 10 years in our current company, pero ako yung nagtuturo sa kanya kung ano ang gagawin or paano i-implement yung new features na nirequest ng client and worst case scenario is hindi siya marunong gumamit ng Git sa VS Code kaya pag may changes siya sa project namin ako pa yung nagre-review ng changes niya at nag pupush. Tapos ako rin nagde-decide if pasado ba yung code niya or hindi. Minsan ako yung naghahandle ng issues na wala sa skill set ko or knowledge ko kasi hindi rin niya alam kung ano ang gagawin. Pero tinatanggap ko lang for the sake of "experience" para malagay ko sa resume ko but nafifix ko naman.
Tapos pag may issue sa live prod sakin sinisisi. Hindi naman sa dinodown ko yung senior dev namin, but from what I've noticed lang sa performance niya, questionable naman talaga or burnout lang ba ako ngayon kasi 3 projects yung hinahandle ko araw-araw tapos yung senior dev namin support/bugs lang yung hinahandle tapos nalaman ko na yung sahod ko ay sahod nya lang halfmonth
Tapos most of the time ai yung pinapacode niya gaya ng new project namin ngayon nawalan ako ng gana kasi mostly ai codes at sobrang messy
Sa angular typescript na framework din ako yung nag eexplain sakanya about the project structure, sa syntax, etc.. wala akong idea sa angular typescript basa basa lang ako sa docs
Planning to resign na after makuha 13th month or should i stay until 2 years?
what will be the best move to do for my career?